Kay Sarap *zambo day 5


Kay sarap ng libre, lalo na at hindi inaasahan.

(Biruin niyo, tatlo kami nagpunta sa Paseo del Mar para mag hapunan at mag-desert ng knickerbucker. Buti nga pinadalhan kami ni tita ng pansit so magpicnic nalang para bawas gastos. Pagdating namin doon, nandun yung pastor ni Meech! Nilibre kami ng knickerbucker! Nahiya pa nga kami ng onte kaso wala na kaming pera kaya hindi na kami nagpakipot!!!)

Kay sarap ng pansit na luto ni nanay. (Lalo na at libre nga kasi!)

Kay sarap ng knickerbucker kasi masarap talaga siya kahit anong gawin ninyo!!!

Kay sarap ng isaw at tempura, pagkaing kanto, magaan sa bulsa. P50 lang, puno na ang styropore. I call it Isaw Con Tempura Platter. 😉

Kay sarap ng Kuratsa (Crab Platter at P400 only) kahit hindi ko natikman. Hindi naman kasi ako mahilig sa crab. Too sossy for my taste. Bwehek!

at Kay sarap mamasayal pag kasama si Ja-en, Smyl, at Meech! “Huy pwede kayo gumalaw, video toh!” *Apir*

3 thoughts on “Kay Sarap *zambo day 5

Leave a reply to Michelle Cancel reply