Posted in Ramblings

Salamin Band


Pao Valenciano and band Salamin
ang mga miyembro ng banda...

itong blog na ito ay para sa mga katulad kong walang gaanong alam sa mga banda.

sa pagkakaalam ng marami, hindi ako mahilig gumimik sa bars. totoo po yon. kung hindi pa dahil sa project ng Ako ay Pilipino, hindi ako makakanuod ng rock gig. bagamat may mga kasama kami na medyo naingayan nuong mini-concert ng Ako ay Pilipino, sadyang hindi naman nanibago ang taingga ko. Siguro kasi, sanay ako magpatugtog ng malakas. pero wala na iyong kinalaman sa gusto ko sabihin ngayon.

isa sa mga tumugtog noong gabing iyon ang banda na Salamin. karamihan sa hindi nakakakilala sa kanila, ang alam lamang ay bokalista nila ang anak ni Gary V na si Paolo Valenciano. Tama naman. Medyo sikat din ang kanilang drummer na si EO Marcos na lumabas na sa isang softdrink commercial at ka-showdon din kung minsan ni Gab Valenciano dahil magaling itong mananayaw. Ngunit hindi lang naman sila basta konektado sa showbiz. Talentado ang grupong ito. Heto ang isa sa mga music videos nila na gusto ko.:

Ganito inilarawan ng isang artikulo ang kanilang musika:

“Their music might best be described as a combination of raw sound, inspiring words and powerful arrangements, with lyrics that mirror a normal person’s everyday experiences and struggles.”

Mas nakakatuwa silang panuorin ng ‘live.’ Siyempre. Kung saan sila mapapanuod… mayroon silang 4-legged tour ngayong March. Tapos na yung unang ‘leg.’ Pero pwede ka pa sa March 5 sa 6underground. Noong unang gig nila sa Guijo, naki-jam si Gary V. Malay natin maki-jam siya ulet at hindi lang Salamin ang mapanuod natin! Kasama rin sa ‘tour’ ang dalawang mahuhusay din na banda, ang Severo at Rinka Collective.

Kung nag-aalala ka kung magkano ang bayad, mura lang naman ang entrance sa 6ug (6underground). Nalimutan ko nga lang kung magkano… Ehehe. Sensha na!

Advertisements

Author:

broken. humbled. a life that's ruined for a cause. a jesus revolutionary.

4 thoughts on “Salamin Band

      1. mga Sir at Mam, san po kaya ako pwede maka pag download ng album ng Salamin?

        need help naman po mga sir at mam. thnx po…

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s